5 timbog sa P5 milyong extortion, kaanak mastermind
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga elemento ng PNP -Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang limang suspek na umanoy nasa likod nang tangkang pangingikil ng P5 milyong halaga sa isang negosyante na binantaang dudukutin at papatayin ang asawa at anak.
Sa reklamo ng biktimang nagpakilalang “Mike”, sinabi nitong nagsimula siyang tumanggap ng mga tawag sa telepono ng mga pagbabanta nitong Huwebes kung hindi magbibigay ng pera ay dudukutin ang kanyang anak at pasasabugin ng granada ang kanilang bahay.
Dahil natakot sa pagbabanta, humingi ng tulong si Mike sa kanyang abogado at naipagbigay alam ang insidente sa CIDG.
Sinabi ni CIDG-National Capital Region chief Police Col. John Guiagui na nagtaka ang biktima kung bakit alam lahat ng suspek kung saan nakatira ang mga bitkima, schedule ng bata kaya’t agad silang nagsagawa ng operasyon na naging daan sa pagkakaaresto sa limang suspek.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nalaman na kaanak ng biktima ang utak ng krimen na bumuo ng grupo at nagplanong kikilan ang mga biktima. Aniya ang “utak” sa krimen na pinaghahanap na ay posibleng nalulong sa sugal at nagipit kaya nagawa ang krimen.
- Latest




















