^

Pang Movies

Nate, ‘nabinyagan’ sa concert!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nate, ‘nabinyagan’ sa concert!
Nate at Ogie
STAR / File

Finally ay nakasama na ni Ogie Alcasid sa concert ang anak na si Nate. Naganap ito sa kanyang Father’s Day concert last weekend.

Ang ganda rin ng boses ni Nate at magaling sa gitara. “Congrats anak. Masaya ako na nakasama kita sa entablado,” post ni Ogie.

Successful ang two-night concert ni Ogie na pinamagatang Daddyokie na aniya ay first time niyang ginawa ang ganu’ng konsepto.

“Two nights kami sa Proscenium na nagtanghal ng Daddyokie and i have to say napakasarap sa PUSO!!! Our concept was quite different from all the shows we had but this one hit differently. Nakakatuwa ang mga tatay lalo na sa mga naki—sing with me.”

Naging guest niya rin sa nasabing concert ang misis na si Regine Velasquez.

Pagiging ama ni Dolphy, inalala

Kanya-kanya ng entry ang mga celebrity kahapon para sa Father’s Day.

Pero iba-iba ang mga sitwasyon. Si Zsa Zsa Padilla ay dumalaw sa puntod ng Hari ng Komedya na si Dolphy: “Though you are no longer here in person, your love and the lessons you taught remain part of everything we do. Wishing you peace today and always. Happy Father’s Day.”

Si Alex Gonzaga ay may pa-tribute sa mister na si Mikee Morada na mara­ming beses naudlot ang pagiging ama: “Finally, I can greet you today. Happy father’s day my papamel @mikeemo .”

Si Angelica Panganiban ay madamdamin ang post para sa mister na si Gregg Homan na sumagot na may ‘something’ sa kanyang mata matapos niya itong mabasa: “Kamay mo ang unang hinanap at hinawakan ni Amila. (Favorite ka kagad in 1 minute of existence) Ako nag dala at nag labas pero ikaw una hinanap. Oh well Happy Father’s Daddy. Walang bitawan habang buhay We love you sooooo much!

“P.S wag mo bibitawan si Amila today! See you later” Kalakip nito ang photo ng kanyang mag-ama.

Punuan din ang mga mall dahil sa selebrasyon ng Father’s Day.

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with