Clarkson, harper papagitna na

Sa game 1 ng NBA finals
SAN ANTONIO — Papagitna sina Fil-American guards Dylan Harper ng Spurs at Jordan Clarkson ng New York Knicks sa pagsisimula ng NBA Finals ngayon.
Si Clarkson ay naglaro sa Gilas Pilipinas, habang pangarap din ni Harper na maging kinatawan ng bansa sa mga malalaking international tournaments.
“Definitely inspiring to the Filipino-Americans and Filipinos all around the country. It’s definitely going to be fun to watch,” sabi ni Clarkson sa duwelo nila ni Harper.
“One of us two taking a championship back home to the Philippines and representing that well,” dagdag pa ng 33-anyos na guard na dating naglaro para sa Los Angeles Lakers, Cleveland Cavaliers at Utah Jazz.
Si Clarkson, ang inang si Marcelina Tullao Kingsolver ay tubong Bacolor, Pampanga, ay ang 2021 NBA Sixth Man of the Year awardee habang naglalaro para sa Jazz.
Ang 20-anyos namang si Harper ay anak ni dating five-time NBA champion Ron Harper at ang inang si Maria ay isang Pinay na tubong Bataan.
“Me and him get to do something really special, representing our country, where we’re from, represent everything on the biggest stage in basketball,” ani Harper.
Samantala, hangad ng Knicks ang ikatlong NBA championship matapos magkampeon noong 1973, habang puntirya ng Spurs ang ikaanim na titulo simula noong 2014.
Sumasakay ang New York sa isang 11-game playoff winning streak para pagharian ang Eastern Conference.
“When you can prepare the right way, when you do your routines, you treat it like a normal game, it allows you to be as normal as possible,” ani star guard Jalen Brunson na hinirang na MVP ng Eastern Conference sa 4-0 sweep sa Cleveland Cavaliers.
Muli namang aasahan ng San Antonio si 7-foot-4 Victor Wembanyama na kinilalang MVP ng Western Conference finals series kontra sa Oklahoma City Thunder.
“It’s a great team,” sabi ng 22-anyos na si Wembanyama sa Knicks. “It’s a great team of experienced guys who are not here by chance, but by relentless effort over the years.”
- Latest



















