^

PSN Palaro

Sleepless

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Dehins siguro makatulog lately si Kyt Jimenez, ang look-alike at play-alike ni Terrence Romeo sa PBA.

Galing MPBL si Kyt at isang YouTube sensation. Kaya nung ma-draft siya ng San Miguel Beer nung 2023, okay lang sa kanya na 76th overall pick siya.

At dahil sikat sa YouTube, mas madami pang fans ang nagpa-selfie sa kanya kesa sa mga top picks.

Natupad ang pangarap ni Kyt na makapaglaro sa PBA at maging teammate ni Terrence. Pero ngayon na wala na si idol sa SMB, pwede na kaya siya umalis?

Wala sa active list ng SMB si Kyt at kahit dehins siya required magpakita sa practice, patuloy ang sahod niya na P90,000 a month hanggang December ng 2025.

‘Yun kasi ang kontrata niya.

Ito ngayon ang problema: May offer ang Zamboanga Valientes kay Kyt para maglaro sa Dubai International Championships next month. Malaki din ang sahod: P170,000 a month for one year.

Kagatin kaya ng 2022 MPBL Rookie of the Year ang offer ng Valientes under Junie Navarro? Or kakapit siya sa SMB out of utang ng loob?

Ang akin, kung saan siya masaya? Inactive na sumasahod ng P90,000 or ‘yung gagamitin siya at may mas mataas pa ang sweldo?

Tutal, nakatikim na ang 27-year-old ng PBA title sa San Miguel. Pwede na siguro siya sumibat at maglaro sa Valientes.

Basta magpaalam lang siya ng mabuti sa SMB at sa PBA.

Malay mo, makabalik pa siya – someday, somewhere.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with