^

Probinsiya

Radio station technician na peace advocate, itinumba

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Radio station technician na peace advocate, itinumba
Masusing sinisiyasat ng SOCO team ang pinangyarihan ng insidente nang pananambang at pagpatay sa senior technician ng Catholic radio station na si Dennis Pido, 56, sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Martes ng hapon.
John Unson

MANILA, Philippines — Patay ang ­senior technician ng isang Catholic-run radio station sa Cotabato City na isa ring peace advocate makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Maguindanao del Norte nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang bikima na si Dennis Pido, 56, radio technician ng DXMS-AM/DXOL-FM ng Notre Dame Broadcasting Corporaton (NDBC) na pag-aari ng Oblates of Mary Immaculate, at residente ng Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regio­nal Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), idineklarang dead-on-arrival si Pido ng mga dokctor sa hindi ka­layuang Cotabato Sanitarium General Hospital sa Barangay Pinaring sa Sultan Kudarat kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.

Sa ulat ng Maguin­danao del Norte Police, nangyari ang krimen sa Brgy. Limbo, Sultan Kudarat dakong alas-3:50 ng hapon.

Sinabi ni Salanguit, habang minamaneho ni Pido ang kaniyang Honda CRF 300 motorcycle patungo sa kaniyang trabaho nang harangin ng riding-in-tandem suspects.

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas, pinagbabaril ng backrider na nagsilbing hitman ang biktima saka mabilis na nagsitakas.

Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala, tatlo rito ay tumagos sa kanyang puso na kanyang ikinamatay.

Kinondena naman ni Drema Quitayen Bravo, DXMS-AM/DXOL-FM station ma­nager, ang pag-atake sa nasabing biktima at hiniling sa pulisya na imbestigahang mabuti ang kaso, arestuhin ang mga salarin upang mabigyang hustisya ang sinapit ng kaso.

COTABATO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with