^

PM Sports

Curry inilusot Warriors sa OT

Pang-masa
Curry inilusot Warriors sa OT
Dumakdak si Golden State Warriors rookie Yaxel Lendeborg matapos makatakas sa Orlando Magic.
STAR / File

SAN FRANCISCO -— Kinumpleto ni Stephen Curry ang isang three-point play sa huling 1:38 minuto sa overtime kasunod ang kanyang layup para tulungan ang Golden State Warriors sa 126-119 panalo sa Orlando Magic.

Tumapos si Curry na may 41 points, anim na rebounds at anim na assists para sa pang-pitong sunod na arangkada ng Warriors (7-3) matapos ang 0-3 panimula sa season.

Naimintis ni Wendell Carter Jr. ang dalawa niyang free throws sa huling 1:15 minuto na nagtabla sana sa Orlando (2-7).

Kumonekta si roo­kie Yaxel Lendeborg ng kru­syal na 3-pointer sa overtime at umiskor ng 23 points para sa Warriors na nasa kanilang pinakamahabang winning streak simula nang magtala ng seven-game winning run noong Marso 3-15, 2025.

Humakot si Franz Wagner ng 30 points at 11 assists sa panig ng Magic.

Sa iba pang laro, wagi ang New York Knicks sa Cleveland Cavaliers, 109-97; panalo ang Denver Nuggets sa Indiana Pacers, 114-102; dinagit ng Atlanta Hawks ang Brooklyn Nets, 124-121; tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Washington Wizards, 114-75; sinunog ng Phoenix Suns ang Houston Rockets, 102-99.

NBA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with