^

PSN Palaro

Walang Sotto sa Asian Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Walang Sotto sa Asian Games
Kai Sotto top-scored for the Filipinos with 18 points
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Hindi maglalaro si Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas sa 2026 Asian Games na nakatakdang umarangkada sa susunod na linggo sa Nagoya, Japan.

Ito ang sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone kung saan hindi makakasama si Sotto sa pagdepensa ng Gilas sa korona nito sa Asian Games.

“No chance. He has other plans,” ani Cone.

May 12 players ang ipaparada ng Gilas Pilipinas sa Asian Games.

Isa rito ay nakalaan para kina Sotto at natura­lized player Justin Brownlee sakaling bigla itong sumulpot para maglaro sa Asian Games.

Kung hindi darating si Brownlee, mapipilitan ang Gilas Pilipinas na maglaro ng 11 players lamang.

Malaking tulong sana si Sotto sa Gilas kung magla­laro ito sa Asian Games lalo pa’t maganda ang ipi­namalas nito sa katatapos na second round ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nagtala si Sotto ng a­verages na 15.5 points, 15 rebounds at 3.0 assists sa dalawang panalo ng Gilas kontra sa Jordan at Iran.

Ngunit may ibang plano si Sotto.

Tila mauudlot ang pag­lalaro nito sa US NCAA matapos maglabasan ang ulat na hindi na ito maaring makapaglaro sa collegiate league dahil naglaro na ito sa professional leagues sa Japan at Australia.

Ito sana ang magiging daan ni Sotto para makapasok sa NBA.

Kaya naman posibleng humahanap ng ibang paraan ang kampo ni Sotto.

Magsisimula ang kampanya ng Gilas sa Asiad sa Setyembre 11 laban sa Bahrain kasunod ang Kazakhstan sa Setyembre 12 at China sa Setyembre 14.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
18 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with