^

Police Metro

SC petition sa threshold ni VP Sara, walang epekto sa impeachment

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi umano makakaapekto sa paglilitis sa Senate impeachment court ang petisyon na ihain sa Supreme Court kaugnay ng isyu sa “voting threshold” para mahatulan si Vice President Sara Duterte .

Ayon kay Deputy Speaker Paolo Ortega na inaasahan na ng prosecution panel ang petisyon na inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa desisyon ng Senate impeachment court.

Sa kabila nito ay pagpapatuloy ng prosecution panel ang pagpriprisinta ng mga testigo at ebidensya laban kay VP Sara.

“Hindi naman po hadlang ito sa paghahanda ng prosecution,” saad ni Ortega na iginiit na walang makakapigil sa prosekusyon na paiigtingin pa ang presentasyon ng ebidensya at pagpapalakas ng kaso laban sa respondents.

Binigyang diin ng solon, kinatawan ng La Union na ang prosekuyaon ay hindi naman nakapokus sa pinagtatalunang ‘voting threshold ‘.

Naghihinala rin si Ortega na ang paghahain ng petisyon sa “voting threshold” ay bahagi ng istratehiya para maantala ang proseso ng impeachment na aniya’y posible pero sa kabila nito ay magpapatuloy ang trabaho ng prosecution panel anuman ang maging ruling ng Korte Suprema.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with