VP Duterte, tetestigo sa impeachment sa Disyembre 4

MANILA, Philippines – Nakatakdang humarap si Vice President Sara Duterte sa sarili niyang impeachment trial sa Senado sa Disyembre 4.
Ipinaalam ng legal team ni Duterte, ang Fortun Narvasa & Salazar, sa hukuman ang kanyang intensiyong tumestigo bilang saksi ng depensa.
“Respondent-Accused will testify to refute all the allegations and malicious accusations against her under the Articles of Impeachment,” ayon sa manifestation.
Pagsunod ito sa direktiba ng Impeachment Court na nag-aatas sa magkabilang panig na isumite ang kanilang listahan ng mga testigo nang hindi bababa sa limang araw bago ang nakatakdang pagharap ng mga ito.
Nagpasya si Duterte na tumestigo matapos niyang sabihin sa isang press conference noong Biyernes,Nobyembre 27, na hindi pa niya napag-uusapan kasama ang kanyang mga abogado kung haharap siya sa witness stand.
Kinumpirma rin ng spokesman ng defense panel na si Atty.Michael Poa ang naging desisyon ni Duterte na humarap sa trial.
Una nang tiniyak ni Senator Ping Lacson na bibigyan ng tamang paggalang si Duterte sa sandaling dumating sa Senado para humarap sa trial pero tatratuhin aniya ito katulad ng iba pang testigo.
- Latest




















