Bail petition nina Marcoleta, Defensor ibinasura

MANILA, Philippines – Mananatili pa rin sa Quezon City Jail sa Payatas sina Sen. Rodante Marcoleta, dating Cong. Mike Defensor, at 2 co-accused na negosyante matapos ibasura ng Sandiganbayan Third Division ang kanilang bail petitions sa kasong plunder sa umano ay P75 milyon donasyon.
Inamin ni Marcoleta na tinanggap niya ang P75 milyon na kontribusyon, subalit hindi niya umano ito idineklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa 2025 elections.
Iginiit niya na ang mga donasyon ay naging personal funds sa ilalim ng Peñera doctrine na nagsasabing ang isang tao ay maikokonsidera lamang na kandidato sa pagsisimula ng campaign period.
- Latest















