^

Pang Movies

Kim, may kinatatakutan, nagpapagaling pa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kim, may kinatatakutan, nagpapagaling pa!
Kim

Iba’t iba ang reaction sa YouTube vlog ni Kim Chiu na may titulong “What I’ve Been Going Through” last Sunday night, Nov. 22, kung saan nagsalita ang aktres sa kanyang pi­nagdaraanan sa ka­patid.

Isa sa binanggit niya ay natatakot daw siya para sa kanyang buhay.

Ito ay kaugnay sa kanyang demanda sa nakatatandang kapatid at naging ina-inahan niya noong si Lakambini “Lakam” Chiu.

Pero hindi pala ‘yun latest dahil kinunan ang nasabing vlog noong September 24, bago siya humarap sa first hearing ng qualified theft case na isinampa   sa kapatid - 124 counts ng qualified theft - nag-ugat ang kaso sa umano’y nawawalang pondo na nagkakahalaga ng ?44.4 milyon mula sa The House of Little Bunny Philippines, Inc..

Sinabi ni Kim na naapektuhan ang kanyang mental condition dahil sa mga kinakaharap niya, na naging dahilan daw kung ba’t siya namamahinga at lumayo sa trabaho at social media.  “I’ve been very emotional. ‘Yung mental state ko is not at the right place,” bahagi ng umpisa niya sa kanyang vlog.

Sinabi pa niyang humingi na raw siya ng professional help at sumailalim sa therapy sessions.

Hindi rin daw niya naisip in her wildest dream na mang­yayari sa kanya ‘yun. Ibinahagi rin ng aktres na may mga pagkakataong hindi niya kayang bumangon at mas gusto lang niyang manatili sa loob ng bahay.

Binanggit din niyang kahit ang paggawa ng vlog ay naging mahirap dahil sa takot at emotional distress.

Dahil last September pa ang nasabing vlog, warrant of arrest pa lang ang alam niya.

Nakapagpiyansa na ang kapatid ni Kim at diumano’y naghahanda ito ng sagot sa mga ikinaso ni Kim.

Pero idiniin ni Kim na : “Hindi ko talaga na-imagine mangyayari sa akin ‘to. Never in my wildest dreams na mangyayari sa akin ‘to. Kahit na mag-vlog pinilit pa nila ko, pero hindi ko talaga kaya. As in lagi lang akong nandidito, nakahiga. Lagi lang akong nasa bahay.

“Natakot lang ako sa mga tao. Hindi ko alam kung bakit, and also I’m doing therapy session. Nag-seek na ako ng medical help kasi hindi ko na kaya,” sabi pa ng TV host / actress / vlogger.

“Tinigil ko lang mag-update. Tinigil ko lahat. Hindi ko alam kung ano ‘yung nangyayari sa akin talaga. Lagi lang akong nandito sa bahay because I’m really scared for my life. Takot talaga ako, and ayoko talagang magsalita sa mga nangyayari ngayon pero today nagising ako medyo matapang-tapang ako nang konti,” banggit niya pa.

Inaresto si Lakambini, noong Setyembre 20, 2026, sa Mandaluyong City sa bisa ng warrant of arrest para sa 124 counts ng qualified theft.

Nakabayad ng piyansa si Lakam ng P5.6 million kaya kasalukuyan siyang nakakalaya. “Hindi ko kayang pag-usapan ito for almost a year and a half. Hindi ako makapaniwala talaga. I can only share what I can share as of the moment,” saad pa ni Kim sa nasabing vlog.

Inamin din niya na malaking pera pa ang involved, pero hindi na siya nagbigay ng iba pang detalyer.

At tama ang kuwento ng ibang malapit sa magkapatid na ‘pinush’ diumano si Kim na idemanda ang kapatid na inamin niya dahil malaking pera raw talaga ang nawala.

“Corporate fund ‘yon, it’s company’s money. Hindi pa ako nagpa-file ng case sa personal money ko. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon,” sabi pa niya.

“Because this is not right. This is so much money from the company itself, and this is just 124 counts of qualified theft,” dagdag niya.

Nangako rin si Kim na patuloy siyang lalaban at kakapit sa kanyang pananampalataya upang malampasan ang mga pinagdara­anan. 

“I’m okay and God will provide. I’ll be back soon, I guess. Hindi ko alam. This is just a quick update of my life,” pagtatapos ni Kim na parang naiiyak-iyak na.

But anyway, ‘yun nga iba’t iba ang reaction ng mga netizens sa mga pahayag niya.

Malaki naman daw ang naitulong ng kapatid upang makapagpundar siya at magkaroon din ng negosyo.

May iba naman na nagsasabi ba’t kasi ipinaubaya niya sa kapatid ang negosyo.

Anyway, may iba namang nag-expect pala na magde-deny si Kim sa diumano’y intrigang preggy siya.

Akala talaga ng lahat ay tungkol doon ang kanyang sasabihin.

May nagsasabing hindi naman talaga ‘yun totoo at wala rin naman daw silang relasyon nila Paulo Avelino.

Nauna nang nagbanta si Kim sa mga nagkakalat ng isyung magiging mommy na siya matapos may magkalat na isang direktor.

Ayon sa tweet ni Kim two weeks ago : “My legal team is already looking into the individuals and platforms responsible for spreading false information, malicious rumors, and invading my privacy, including possible violations of Article 26 of the Civil Code of the Philippines.

“Social media can be a powerful tool for both good and bad. Sana gamitin natin ito sa mabuting paraan, hindi para manira, manghusga, o makialam sa pribadong buhay ng ibang tao. Not everything I go through needs to be shared, explained, or justified to the public. You never know what someone is going through until you’re in their shoes.

“Freedom of expression comes with responsibility

“A little kindness and respect can go a long way,” buong post ni Kim that time.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with