Jorrybell wala pang sked ang libing, itatambal sana kay JM!

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang burol kahapon kay Jorrybell Agoto sa St. Peter’s Chapel, Quezon Avenue. Pero wala pang announcement kung kailan ililibing.
At totoong mahigit P4 million pa ang kailangang buuin ng pamilya ni Jorrybell para mabayaran nila ang natirang hospital bills sa St. Luke’s Medical Center.
Halos lahat naman sa movie industry ay nagtutulungan para ma-settle na ito para makapagpagaan naman sa pamilya ng yumaong aktres.
Sabi ng Director General ng Film Academy of the Philippines na si DG Paolo Villaluna, “The whole community I think nagtutulungan to really ano… and we’ve been coordinating with Epicmedia. So, we’re doing our fair share. We’re coordinating with them to help them. But I cannot… apart from that, cannot…”
Samantala, naikuwento na rin ni Direk Joey Reyes ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na may nabuo na siyang script na gusto niyang gawin pagkatapos ng term niya bilang chairman ng naturang ahensya.
Ang title raw ng film project na gusto niyang gawin ay Ang Pag-ibig sa Mata ng mga Pangkaraniwang Tao. “Hinihintay ko lang ang 2028 kung puwede na akong magdirek,” sambit ni Direk Joey.
“Dahil ipinangako ko kay JM Ibarra na igagawa ko siya ng kuwento. Sinabi ko sa kanya, ‘I’ll write a movie for you.’ E, si Jorrybell (Agoto) iyon at si JM. Kuwento ng mga nagtatrabaho sa Rizal Avenue [Sta. Cruz, Manila],” sabi pa ni Direk Joey.
Wala pang maisip si Direk Joey kung sino ang puwedeng ipalit kay Jorrybell.
Gusto raw talaga niyang ituloy ito pagkatapos na ng obligasyon niya sa FDCP.
Si JM Ibarra ang isa sa pinakamagaling na artista sa kasalukuyang henerasyon. At sinasabi talaga noon pa ni Direk Joey na gusto niyang idirek ito na magaling naman talaga.
- Latest




















