^

Metro

VP Sara: PNP, naging ‘enforcement arm’ ng mga politiko

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara: PNP, naging ‘enforcement arm’ ng mga politiko
Photo dated September 20, 2025: Philippine National Police (PNP) acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. inspects a police unit on standby at the Mendiola Peace Arch in Manila .
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines – Inakusahan ni Vice President Sara Duterte ang Philippine National Police (PNP) na nagsisilbi nang “enforcement arm” ng mga politiko at hindi na tunay na apolitical.

Sa pahayag na inilabas nitong Sabado, sinabi ni Duterte na dapat nang itigil ng pamunuan ng PNP ang pagpapanggap na hindi ito naaapektuhan ng politika.

 “It would be in the best interest of the Phi­lippine National Police (PNP), as an institution, for its Chief to refrain from paying lip service to the claim that the organization is apolitical—a claim that virtually every Filipino knows to be untrue. The PNP, in practice, has become the enforcement arm of politicians,” ayon kay VP Sara.

Nag-ugat ang kanyang pahayag matapos igiit ng PNP na walang naganap na rescue o release sa dating household staff ng bise presidente at apat pang iba sa isang hotel sa Taguig City noong Nobyembre 17.

Ayon kay Duterte, nagmadali umano ang PNP na maglabas ng konklusyon kahit wala pang sapat na imbestigasyon.

“No proper inquiry had been conducted,” aniya, sabay giit na hindi man lamang sila nabigyan ng pagkakataong ilahad ang kanilang panig.

Ibinunyag din ng bise presidente na mayroon silang hawak na hindi bababa sa limang dokumentadong pagbabanta umano mula sa ilang tauhan ng PNP laban sa kanya, mga kawani ng Office of the Vice President at maging sa kanyang pamilya.

“These are not mere perceptions or political accusations. They are documented incidents,” dagdag pa niya.

Nagpahayag din siya ng pagkadismaya sa pag-atras ng prosekusyon sa kasong grave threats laban sa kanya dahil maaaring hindi na niya maiharap ang mga naturang ebidensiya sa impeachment proceedings.

Sinabi rin ni Duterte na ang kanyang pangambang hindi ligtas sa bansa ay hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa mga Pilipinong na­ngangambang hindi mapoprotektahan ang kanilang mga karapatan.

“When I say that I do not feel safe in this country, I speak not only for myself but also for the many Filipinos,” aniya.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with