^

Police Metro

Magtiyuhin itinumba paglabas ng simbahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang magtiyuhin ang nasawi nang sila ay pagbabarilin paglabas ng simbahan sa highway ng Brgy. Calinan, Davao City noong Biyernes.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Ansari at pamang­kin nitong si Kandaw, pawang residente ng Bry. Balabagan, Lanao del Sur.

Sa ulat ng Davao City Police, bago nangyari ang pananambang sa magtiyuhin, ala-1:00 ng hapon  sa bahagi ng Teachers Village, Brgy.Calinan ay

kalalabas lamang ng mga ito sa Calinan mosque nang sundan ng mga armadong salarin ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw sa naturang lugar na sumapul sa katawan ng magtiyuhin habang mabilis namang nagsitakas ang mga salarin.

Isinasailalim na ng mga otoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

Ang labi ng magtiyuhin ay ibiniyahe na sa Balabagan, Lanao del Sur upang mailibing sa loob ng 24 oras alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.­

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with