Jovit Moya, binabalik-balikan ang islang masukal!

Matagal-tagal na ring panahong wala tayong balita sa dating actor and former member ng That’s Entertainment na si Jovit Moya except na nabalitaan natin itong naging bahagi ng police service where he served as police commander na iniwan din niya after a couple of years of service kahit mataas na ang kanyang posisyon.
Aminado si Jovit na madali umano siyang ma-bore kaya nag-iiba siya ng propesyon. Unknown to many, siya’y nagtapos ng medicine with infectious disease as his specialization.
Isa rin siyang aeronautics engineer at licensed pilot, professor, pastor, may-ari ng dalawang medical clinic, ang Courage Care Clinic na matatagpuan in Pasig at Pasay, isang philanthropist and businessman.
Nung siya’y nasa police service pa, naging Chief of Intelligence for the Presidential Protection Unit (PSG) siya.
A self-made and well-rounded person, inamin ng dating actor na meron siyang siyam na anak sa anim na magkakaibang babae – isa sa Pilipinas, isa sa Japan, isa sa Australia and the rest sa America na bunga umano ng kanyang kabataan at pagiging adventurous noon.
Hindi rin niya ikinakaila na hindi siya napipirmi sa isang lugar. He always wanted to discover new things, new environment and new learnings kaya hindi rin umano siya humihinto sa pag-aaral even now that he’s already in his 60s.
Naibahagi rin sa amin ni Jovit na meron siyang 16 hectares lot sa isang isla (na ayaw niyang sabihin ang lugar) na madalas umano niyang puntahan na mag-isa. Although meron siyang caretakers sa nasabing isla, hindi umano niya ito pinapa-develop (into a farm) except ang personal na tanim ng kanyang caretakers.
Wala rin umano siyang ipinagawang resthouse kundi isang simpleng bahay kubo. Wala umano itong kuryente at gamit niya ay petromax. Ang source of water niya ay isang poso (water pump) habang ang pagkain niya ay nagmumula sa mga tanim ng kanyang caretakers.
White sand at beach front ang kanyang lote. He loves nature, the very reason kung bakit ayaw niyang ipa-develop ang kanyang property na napakalawak at masukal.
Mararating lamang ang nasabing island sa pamamagitan ng isang motorized boat.
Kakaiba umanong peace and serenity ang kanyang nararamdaman kapag naroon siya sa isla.
Si Jovit ay nagmula sa isang prominenteng pamilya but made it on his own without banking on the status of his family.
Parehong doctors ang kanyang parents with his father na isang doctor-lawyer.
Bago naging bahagi ng That’s Entertainment program ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno, isa na siyang theater actor noon.
Bukod sa That’s Entertainment ay naging contract talent din siya ng Seiko Films ni Robbie Tan.
Big mak, pinatunayang ‘di jowa si Katrina
Walang romantikong relasyon ang dating sexy star-turned businesswoman na si Katrina Paula at ang dating basketball player-turned actor at negosyante na si Big Mak o Mark Anthony Andaya kundi mag-best friends lamang ang dalawa.
Naging malapit sa isa’t isa sina Paulo at Big Mak nang pareho silang mag-guest sa KapareWho segment ng It’s Showtime.
Habibi (for hubby) ang tawag ni Paula kay Big Mak at wifey naman si Big Mak kay Paula. Dahil sa sobrang closeness ng dalawa ay napapagkamalan silang may relasyon.
Ang totoo, may girlfriend si Big Mak na isang stewardess sa isang international airline na nagngangalang Jam.
- Latest























