^

Police Metro

May-ari ng crematorium, 3 pa kinasuhan ng estafa sa DOJ

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagsampa ng five counts of estafa at paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act ang 5 pet owner laban sa apat katao kabilang ang may-ari ng Ahjay Paws Pet Crematorium sa Bacoor City, Cavite.

Nahaharap sa kasong estafa ang may-ari ng pet crematorium na si Jonathan Legaspi, ang mag-asawang Jeffrey at Jenina Haylar at isang Reiner Peñaflor.

Ang limang fur parents complainant ay may-ari ng fur babies na sina Jennifer, Harley, Chichay, Sweet, at Crunch na ang bangkay ay itinapon lang sa bakanteng lote sa San Jose Del Monte City, Bulacan, sa halip na i-cremate at ibigay sa kanila ang abo ng kanilang mga alaga.

Sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ay nalaman na ang laman ng mga urns at hindi pet remains.

“Nandoon na rin sa findings ng NBI na ang laman pala ng urns ay hindi ashes ng pet remains kundi silicon, iron, potassium and aluminum, so ito yung mga elements na hindi dapat nandon kung talagang pet remains ang nasa loob ng urns,” ani Philippine Animal Welfare Society (PAWS) Executive Director Anna Cabrera.

Ayon pa kay Cabrera, na patuloy pa rin ang kanilang grupo sa pagbuo ng kaso para maghain ng syndicated estafa laban sa mga respondent at kailangan ng hindi bababa sa limang respondent para sa syndicated estafa complaint na walang piyansa.

ESTAFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with