^

Police Metro

11 Chinese,1 Pinoy arestado sa scam hub

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines – Labing-isang Chinese nationals at isang Pinoy ang naaresto ng mga otoridad nang salakayin ang isang pinaghihinalaang scam hub sa Brgy. Kaylaway, Na­sugbu, Batangas, kahapon.

Kinilala ang 11 naares­tong dayuhan sa kani-kanilang alyas na “Song,” “Hu,” Mao, Lin, Wu, Xiao, “Tan, Dong,” “Qing”, Ji at Li, habang ang Pinoy na kasama nilang nadakip ay kinilalang si alyas Burt, 53-anyos.

Sa ulat ng  Police Regional Office (PRO) IV A,alas-4:00 ng madaling araw nang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang nasabing scam hub sa nasabing lugar.

Nasamsam ang 36 computer units na kinabibilangan ng 18 desktop computers at 18 laptops, anim na flash drive, at isang router, gayundin ang isang kalibre .45 na pistol, apat na magazine at 32 bala.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng ulat tungkol sa umano’y establisi­myentong nagnenegosyo nang walang kaukulang permit.

Ayon sa mga otoridad na online Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ang konsepto ng nasabing scam hub  na nasa loob ng 3 storey townhouse na gusali.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Nasugbu police at nahaharap sa posibleng paglabag sa Republic Act 7160 o Local Government Code at Republic Act 11917 o Private Security Services Industry Act.

SCAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with