BINI at SB19, nominado sa Grammy

Panibagong karangalan para sa Pilipinas ang hatid ng nation’s girl group na BINI, at SB19 matapos makakuha ng kauna-unahan nitong nominasyon sa prestihiyosong GRAMMY Awards.
Nominado ang BINI at SB19 at sa Best Asian Pop Music Performance category para sa kantang Unang Kilig, habang ang SB19 ay para sa Visa sa 69th GRAMMY Awards na gaganapin sa Feb. 8, 2027 (Philippine time).
Unang sabak pa lang ng Best Asian Pop Music Performance category sa 2027 GRAMMY® Awards na naglalayong kilalanin ang mga natatanging performance sa Asian pop music.
Kabilang din sa mga nominee ang BabyMetal at Polyphia para sa Sunset Kiss, IVE para sa Bang Bang, KiiiKiii para sa 404 (New Era), LiSA para sa YES, at ang Kings of Pop SB19 para nga sa Visa.
Kamakailan lang, nanalo ang BINI bilang Favorite Global Music Star sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards at Most Influential Southeast Asian Artiste – Female sa Jupiter Music Awards sa Vietnam.
Matagumpay rin nilang tinapos ang BINI Signals World Tour sa huling stop nito sa Taipei City, Taiwan noong Linggo (Nobyembre 15).
Binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena ang BINI, na patuloy na gumagawa ng ingay sa international music scene sa kanilang mga kanta at performances.
Ang BINI at SB19 ang naging mga unang grupong P-pop na nakatanggap ng pagkilala/nominasyon sa Grammy Awards.
“From the Philippines to the world, thank you for believing in SB19 and standing with us as we carry Filipino music to the global stage!” sabi naman ng SB19.
Nagdiwang din ng nominasyon sa Grammys ang half Pinay singer na si Olivia Rodrigo.
Aniya sa kanyang post: “woke up this morning to 7 Grammy nominations!!!! I am over the moon!!!!! I love this album so much and for it to be recognized in this way is the biggest honor. I am extra stoked because Robert Smith and I are nominated for two awards together for “what’s wrong with me” which is just the coolest most pinch-me moment I could’ve ever dreamed up. Yipeeee.”
- Latest


















