James Bond, nakuha ni Robert Pattinson

Matapos ang ilang buwang haka-haka, ang British na aktor na si Robert Pattinson ang napisil bilang bagong James Bond.
Siya ang papalit kay Daniel Craig bilang MI6 agent.
Ayon sa online reports, ang pagpili sa Batman actor ay agad na tinanggap kung saan ibinahagi ng mga social media account ng British monarchy ang anunsyo na may kasamang komento: “Welcome to His Majesty’s Secret Service, Mr. Bond.”
“To be entrusted with 007 is the honor of a lifetime,” sabi ni Pattinson sa isang pahayag, idinagdag na ito ay “isang pangarap na natupad.”
Anim na aktor lamang ang gumanap bilang Bond dati, kabilang sina Sean Connery, Roger Moore at Pierce Brosnan, na lahat ay nagsuot ng Bond tuxedo sa mga dekada mula nang unang lumabas ang espiya sa screen noong 1960s.
Naisahan daw ni Pattinson ang mga sinasabing 007 candidates na sina Callum Turner, Josh O’Connor at Jack Lowden.
Inanunsyo na ng Amazon MGM na ang Oscar-nominated Canadian director na si Denis Villeneuve, na nagdirek ng mga box-office hits tulad ng mga pelikulang Dune, ang magiging direktor ng susunod na Bond movie.
Una siyang sumikat internationally bilang Cedric Diggory sa Harry Potter and the Goblet of Fire (2005) at bilang Edward Cullen sa The Twilight Saga (2008–2012).
- Latest





















