^

Police Metro

Mister nag-ala ‘Superman’ sa tulay, patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang nag-ala “Superman” ang isang mister nang ito ay lumundag sa isang tulay na naging dahilan ng kanyang kamatayan, naganap sa  Bued Bridge, Brgy. Dungon, Sison, ­Pangasinan, noong Biyernes ng hapon.

Inaalam pa ng Pangasinan Police ang pagkaka­kilanlan ng nagpakamatay na mister na nabasag ang bungo at nagkalasug-lasog ang katawan matapos bu­magsak sa batuhan sa ibaba ng nasabing tulay.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa Bued Bridge kung saan isang residente na kinilalang si Mercedes Esme­ralda, residente ng Brgy.Dungon ang nakakita sa nasabing lalaki na umak­yat umano sa konkretong barandilya ng nasabing tulay.

Nagpasikat pa umano na dumipa  na nagbalanse pa ng kaniyang katawan sa paglalakad ng bahagya sa ibabaw ng barandilya ng tulay ang mister.

Laking gulat naman ng ginang ng biglang tulu­yang lumundag sa kaniyang kamatayan ang nasabing mister sa tulay na may 100 metro ang taas.

Inilarawan ang biktima na nakausot ng kulay asul na shorst at kuya asul na t-shirt na may nakatatak na “PARIS”.

Nagresponde ang mga otoridad at naiahon ang duguang at naghihingalo ng biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with