Kaka sa yawan young actor, Viva Artist na!

Matapos mapansin ang acting sa Cinemalaya 2026 entry na Kaka Sa Yawan, pumirma ng kontra sa Viva Artists Agency (VAA) ang young actor na si Bryce Nicolo Mercader.
Limang taon ang kontratang pinirmahan niya noong nakaraang Friday kasama ang mismong boss ng VAA na si Ms. Veronique del Rosario-Corpus at VAA legal represented by her daughter Atty. Jillian Corpus.
Pagkatapos ng pirmahan ng kontrata ay nagpa-sample ng sing and dance si Bryce.
Banggit nga ni Ms. Veronique, kailangan talaga nila ng young actor dahil majority sa mga batangang artista nila ay babae.
Excited na si Bryce na mag-workshop bago pa sumabak sa trabaho.
At ang proud sa nasabing contract signing, ang mismong lola ni Bryce na si Ms. Anna Liza Aclan na tumatayong guardian ng batang aktor.
“Happy po ako. Masaya po ako na pumirma na ako ng kontrata sa Viva. Excited na po ako na gumawa ng pelikula sa kanila. Pangarap ko talaga na maging artista na katulad ni Coco Martin!” sabi kaagad ni Bryce.
Pero aniya, dream din niyang makatrabaho sina Anne Curtis, Wilbert Ross, Sarah Geronimo, Andres Muhlach, Atasha Muhlach at Aga Muhlach.
“Si Kuya Wilbert po, gusto ko siyang maging kuya sa pelikula.
“Si Andres din po, gusto kong maging kuya.
“Si Ate Anne po, gusto kong maging mommy sa movie.
“Si Ate Sarah gusto ko rin pong makasama sana kumanta. ‘Pag sa pelikula po, gusto ko siyang maging kapatid din po,” kuwento niya sa ilang kausap na writer.
Sa ngayon aniya ay sobrang excited siya pero hindi raw naman niya igi-give up ang kanyang pag-aaral. Grade 4 si Bryce sa St. Paul Tondo.
“Pero, tuloy pa rin po ang pag-aaral ko. Marunong naman po ako sa time management. Na ‘pag may school po, bawal magpuyat. Puwede lang mag-shooting kapag walang pasok. Sana kapag Saturday and Sunday puwede mag-shooting.
“Pangarap ko po talaga ang maging sikat na artista, katulad nga po ni Coco Martin. Gusto ko ‘yung nakakasama ang mga fans. Gusto ko ‘yung mga nakakatulong sa mga tao. At saka para mabili ko rin ang mga gusto ko.
“Ang mahal, gusto ko po agad bumili ng sports car. Kaya work, work, work na muna!” kuwento pa nito kaharap ang kanyang lola na minsan nang nabudol dahil sa pangarap ng apo.
Anyway, kasama nga niyang nagbida sa Cinemalaya entry na Kaka Sa Yawan si Beaver Magtalas, na malapit na rin daw mapanood sa streaming platform.
Wala lang nabanggit si Bryce kung saang streaming ito ipalalabas.
In all fairness, nakitaan siya ng potential sa nasabing pelikula.
- Latest



















