Rhian, nag-alala sa sakit ni Michelle

Kamakailan ay naospital sa Michelle Dee dahil sumailalim sa emergency laparoscopic appendectomy.
Labis na nag-alala ang kaibigang si Rhian Ramos dahil mabuti pa umano ang kalagayan ng beauty queen noong gabi bago isugod sa ospital. “We were very worried because it was so sudden. I was actually on my way to taping when I found out that she was on her way to the hospital. Sakto, nagkaroon ako ng break. So, I got to visit her right away. She’s on her road to recovery right now. So, let’s just give her the time she needs to kind of rest. She’s about to have a very hectic schedule. I think we just need to make sure her health is good,” pagbabahagi ni Rhian sa 24 Oras.
Napapanood na rin ngayon sa Taskforce Firewall si Rhian. Ginagampanan ng Kapuso actress ang karakter ni Tasha sa naturang cybercrime action-drama series na pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jak Roberto at Buboy Villar. Ayon kay Rhian ay talagang kaabang-abang ang lahat ng gagawin ng kanyang karakter sa serye. “What I can say about her is makulit siya. She really knows how to get herself into troubles. Marami pang kailangang ma-discover about Tasha because she is a very secretive kind of character. I don’t think she says everything that’s true. I’m so happy to be part of Firewall kasi matagal ko nang dream na gusto kong mag-action. And finally, I’m getting to do it. I do all the fight scenes and it’s so much fun. And the cast is great,” paglalahad ng dalaga.
Muling nakagawa ng fight scenes sina Rhian at Kylie ngayon sa Taskforce Firewall. Matatandaang nagkabangga na rin ang mga karakter noon ng dalawa sa Encantadia Chronicles: Sang’gre na sina Mitena (Rhian) at Amihan (Kylie). Ginagampanan naman ni Kylie ang karakter ni Isa sa bagong serye. Aminado si Rhian na kinabahan at nakaramdam ng takot kay Kylie nang gawin ang maaaksyong eksena. “We had a fight scene for the Halloween episode. Usually in the fight scene I’m very focused. Kasi siyempre you don’t wanna do anything wrong. You don’t wanna hit anyone talaga. Pero no’ng si Kylie na ‘yung ka-fight scene ko, kinabahan ako nang bonggang-bongga. I told everyone na I’m scared of her. She has enough skill that she can choreograph a fight. We’re against each other na naman. Malayo naman sa behind the scenes. We’re always tentmates and we’re good friends,” kwento ng Kapuso actress. (Reports from JCC)
- Latest



















