^

Metro

Shabu sa condom para sa anak, asawang PDLs nasabat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Shabu sa condom para sa anak, asawang PDLs nasabat
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

 

MANILA, Philippines — Tiklo ang isang babae na nakuhanan ng ilang sachet ng shabu sa ari na nakasilid sa dalawang condom nang pagdalaw sa anak at asawa na nakapiit sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, noong Biyernes ng hapon.

Sa ulat na isinumiteng report ni Natio­nal Bilibid Prison (NBP) Senior Supt. Gary Garcia kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., nakilala ang suspek na si Jennifer Antonio, ang ina ni person deprived of liberty (PDL) Hubert De Leon at common-law wife ni PDL Marianito Sta. Mania, na kapwa nakapiit sa Quadrant 4 ng NBP Maximum Security Camp.

Nadiskubre ang shabu sa isinagawang body search Correction Officer I Graizel Cabarrubias sa Inmate Visitation Service Unit (IVSU).

Nabatid na under maintenance ang body scanner ng IVSU ng NBP kaya inutusan ni Correction Officer II Cyrus Bedoya, deputy chief ng IVSU Maximum Security Camp, sina Cabarrubias at CO1 Faith Marie ­Balangui na samahan si Antonio sa Gate 1 para sa pag-scan.

Lumitaw sa body scan ang kahina-hina­lang bagay sa katawan ng babae kaya isinalang pa siya sa pangalawang inspeksyon.

Sa isinagawang strip at cavity search, narekober ang dala­wang condom na nakatago sa loob ng pribadong bahagi ng katawan ng babae—ang isang condom ay naglalaman ng 11 plastic sachets ng shabu at ang isa ay may 3 pang sachet din ng shabu.

Ang ilegal na droga ay itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency Forensic Laboratory sa Quezon City para sa pagsusuri. Si Antonio ay itinurn-over naman sa Muntinlupa City Police Station para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang mga kaso.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with