2 nanlaban sa Akyat-Bahay: 1 patay, 1 sugatan
MANILA, Philippines — Nasawi ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nito nang sila ay manlaban sa isang lalaki na pumasok sa kanilang bahay sa Brgy. Tamacan Amadeo, Cavite, kahapon ng madaling araw.
Ang mga biktima ay kinilala sina alyas “Ariel”, patay at nasugatan si “Leo” na inoobserbahan sa pagamutan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:00 ng madaling araw ay pinasok ng hindi pa nakikilalang suspek ang compound ng mga biktima.
Nakita ito ng mga biktima at papasok na sa kanilang bahay nang komprontahin at tinangkang pigilan.
Napag-alaman na may hawak na maiksing baril na cal.45 ang isa sa mga biktima bilang pang selfdefense, subalit inagaw ito ng suspek na kinilala sa alyas “Reggie”, 26-anyos.
Nagkaroon ng agawan hanggang sa makuha ng suspek ang baril at pinagbabaril ang mga biktima bago mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.
Kapwa naisugod ng Amadeo Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO) ang mga biktima sa pagamutan, subalit idineklarang dead-on-arrival si Ariel.
Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang itim na Kawasaki Fury tangay ang baril na ginamit.
- Latest















