FL Liza bumisita sa Correctional, Oplan 5k inilunsad

MANILA, Philippines — Mainit na sinalubong ng Bureau of Corrections (BuCor) si First Lady Louise Araneta Marcos sa paglulunsad ng OPLAN “5K” sa Correctional Institution for Women (CIW), sa Mandaluyong City, noong Martes.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., hango ang programa sa pagbisita ng First Lady sa New Bilibid Prison noong Oktubre 20, 2026.
Ang 5K ay tumutugon sa KULAY — painting at art para mailabas ng persons deprived of liberty (PDLs) ang talento at damdamin; KALINGA — libreng medical, dermatological consultation at wellness activities; KATARUNGAN — libreng legal assistance mula sa DOJ, IBP at volunteer lawyers; KALAYAAN — same-day release sa mga PDL na kumpleto na ang requirements sa ilalim ng LAYA program; at KABUHAYAN — training sa urban farming, hydroponics at iba pang skills para sa pagbabalik sa lipunan
Inilunsad din ang Ex Preso katuwang si Sandiganbayan Justice Karl B. Miranda — tulong pangkabuhayan at reintegration para sa mga dating PDL.
- Latest

















