^

Probinsiya

Pinakamalaking public school sa Quezon binulabog ng bomb threat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Pinakamalaking public school sa Quezon binulabog ng bomb threat
Agad namang nagpalabas ng opisyal na pahayag ang QNHS sa pamamagitan ni School Principal IV Joseph C. Hinanay kaugnay ng bomb threat incident.
STRA/ File

LUCENA CITY, Philippines — Hindi na pinapasok kahapon pa lamang ng umaga ang may mahigit sa 4,000 estudyante ng Quezon National High School (QNHS), ang pinakamalaking public high school sa lalawigan na nakatayo sa Barangay Ibabang Iyam sa Lungsod na ito makaraang bulabugin ng bomb threat kama­kalawa ng gabi.

Agad namang nagpalabas ng opisyal na pahayag ang QNHS sa pamamagitan ni School Principal IV Joseph C. Hinanay kaugnay ng bomb threat incident.

Ayon sa principal, bandang alas-11:52 noong gabi ng Nob­yembre 12, 2026 nang matanggap ang nasabing pagbabanta na idinaan sa Messenger account ng QNHS-JSDRRM page na TCAN at SSLG.

Nakasaad sa mensahe na meron umanong banta ng pagsabog na naka-schedule sa November 13, 2026, Biyernes.

Ang impormasyon ay ibinahagi naman ng na­ngangalang Erick John Lastamos. Kaya kaagad isinagawa ng admi­nistrasyon ng paaralan, SDRRM Team at School Security ang emergency response protocols.

Ayon pa sa opisyal na pahayag, kaagad rumes­ponde ang Phi­lippine National Police bandang alas-4 ng ­umaga at ipinagbigay-alam sa Explosive Or­dinance Disposal at Canine Units na dumating bandang alas-7 ng umaga na nagsagawa ng assessment at imbestigasyon at alas 7:59 ng umaga ay idineklarang CLEAR o walang bomba sa paaralan.

BOMB THREAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with