^

Police Metro

El Niño, magdudulot ng outbreak ng sakit sa pagkain-DOH

Ludy ­Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng abiso ang Department of Health (DOH) hinggil sa mataas na panganib nang mabilis na pagkapanis ng pagkain at food poisoning ngayong panahon ng El Niño.

Ang matinding init at mga posibleng brownout ay nagpapabilis sa pagdami ng bakterya sa mga lutong pagkain, hilaw na sangkap, at maging sa tubig.

Payo ng kagawaran, tiyaking laging malinis ang tubig na gagamitin sa paghuhugas ng mga kamay, sariwang gulay, karne, at iba pang kagamitan sa kusina upang maiwasan ang mga sakit na nagmumula sa pagkain.

Para sa inuming tubig, inirekomenda ng ahensya na pakuluan ito nang mabuti kung nag-aalinlangan sa kalinisan o kaligtasan ng pinagmumulan nito upang matiyak na ligtas ito sa mga mikrobyo at dumi.

Payo pa ng DOH na huwag hayaang nakabilad sa init o nakatiwangwang sa mesa ang mga lutong pagkain nang masyadong matagal, at ugaliing takpan o kaya ay ubusin agad ang mga ito upang makaiwas sa pagkalat ng mga nakasasamang organism.

Hinimok ng DOH ang lahat na maging mapagmatyag at sundin ang mga wastong pamamaraan sa kali­nisan at pag-iimbak ng pagkain upang maprotektahan ang kalusugan ng pamilya laban sa mga posibleng outbreak ng sakit ngayong panahon ng tag-init.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with