Inigo, handang makipagbalikan kay Maris!

Natutuwa ako kay Inigo Pascual nang makatsikahan namin sa nakaraang Thanksgiving celebration ng TV5 sa Grand Hyatt Manila noong nakaraang Lunes.
Hindi siya napipikon sa mga tanong na baka puwede pa silang magkabalikan ni Maris Racal.
Si Janella Salvador ang leading lady ni Inigo sa The Good Doctor na isa sa pasabog ng TV5 sa 2027.
Pero ang pinag-uusapan sa aming tsikahan ay si Maris.
Sa mga tanong na ibinabato sa kanya ay talagang pinu-push na posible kaya silang magkabalikan ni Maris. “Okay naman kami. We talked like normal friends. Wala namang ilangan, walang ganun,” pakli niya,
Masaya raw siya sa mga na-achieve ng dating nobya na sunud-sunod ang natatanggap na best actress award. “Nakaka-proud siya. We actually have seen each other a couple of times in several events.
“Noong Halloween party ng Belo... sa Opulence, we were able to hang out. We were able to talk. I have congratulated her. Nakakatuwa lang siyempre with how hard she’s been working on her acting and lahat nang gusto niyang gawin sa buhay. So everything’s paying off for her,” sabi pa ni inigo.
Sinundan namin ng tanong kung siya ba ang tipong nakipagbalikan sa dating karelasyon. “I think life happens. Depende. I mean destiny lang siguro makakapagsagot ng ganung bagay,” tugon nito.
Kung magkakaroon ng project na puwede nilang pagsamahan ay okay naman daw siya. “I’ll be willing to work with her again anytime,” sagot nito.
Wala naman daw pressure sa kanila kung sakaling magsama sila ulit. “You know, that’s something that you know... why would we put that on ourselves. Why would we put that kind of pressure on ourselves? And also, why would we try and think of something that you know isn’t possible at the moment,” dagdag niyang pahayag.
Na-maintain naman daw nila ang magandang friendship sa kanila ngayon. Naka-focus muna ngayon si Inigo sa The Good Doctor at kakaibang challenge raw ito sa kanya. “Mas ginawa namin ang Pinoy, mas may puso. Ang bawat character, mabibigay ng spotlight. Bawat character, magpapakita ng sariling galing dito sa proyektong ito. And siguro, what I love about our version is it’s more family-oriented,” saad ni Inigo.
Isang medical drama itong The Good Doctor at maganda ang role rito na ginagampanan ni Inigo.
Sinabi namin sa kanya na may medical drama ding ginagawa ang GMA 7, ang Code Grey na pinagbibidahan ni Alden Richards.
Posible kayang magtapat sila sa airing nito?
Napangiti si Inigo. “Nag-joke kami (ni Alden). Nagkita kami isang beses. Sabi ko, mag-guest ako sa show mo, tapos mag-guest ka sa show namin.
“Sabi niya, ‘go!’”
DongYan, nagdagdag ng sinehan
Isa sa pinag-uusapan sa social media kahapon ay ang pelikulang Remember nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
May ilang nangungulit sa akin kung malakas ba sa takilya ang naturang pelikula.
Marami ring komento kaming nababasa, at reviews na merong positive, meron ding negative.
Ilang listeners sa radio program namin ang nagsabing mas nagustuhan daw nila itong Remember kesa sa Rewind.
Sabi ko naman sa kanila, huwag nilang ikumpara sa Rewind dahil ibang pelikula, ibang kuwento naman itong huling DongYan movie.
Basta sabi ko sa kanila, kung na-entertain kayo, palagpasin na yang ibang butas na nasilip sa kuwento ng Remember.
Pagdating sa first-day earnings, ayon sa nakalap namin sa ilang reliable source, naka-almost P5 million daw sa first day gross nito. Nadagdagan pa ng mga sinehan, na ang ang ipinost nila kahapon ay may 300 cinemas na raw ito.
Diyan naman kasi magaling ang Star Cinema—mag-maintain ng pelikula nila sa mga sinehan.
Kaya puwede pa itong tumaas.
Ang suwerte pa, dahil may mahabang weekend ito dahil sa ASEAN Summit. Kaya posibleng mas dumami pa ang manonood sa mga susunod na araw.
Abangan na lang natin kung maka-magkano ito sa loob ng isang linggo.
Siyanga pala!
Sandaling nakatsikahan namin ang dating Ilocos governor na si Manong Chavit Singson sa launch ng La Craux na bagong line of perfume ni Joel Cruz na ginanap sa The Fifth ng Power Plant Mall noong nakaraang Martes.
Masaya niyang ibinalita sa aming magkakaroon daw ng part two ang pelikulang collaboration niya sa GMA Pictures na Red Crown
Bilang producer ng Red Crown, masaya raw siya sa kinalabasan nito sa takilya. “Oo. Gagawa nga ng part two e. Okay naman e,” pakli ni Manong Chavit.
Masaya raw siya sa partnership niya sa GMA 7, kaya tuluy-tuloy raw ang pagpo-produce niya. “Yes, palaging GMA 7,” tugon nito.
Kaya inaayos na raw ngayon ang sequel nitong Red Crown na dinirek ni Dominic Zapata. Hopeful naman daw siyang mababawi niya ang ipinuhunan niya rito.
“Itutuloy, dahil ‘yun ‘yung clamor ng tao e. Sinabi ko na sa director... gumagawa na ng part two. Inaayos na. Mababawi naman ‘yun e. Marami naman ang nanonood e,” sambit ni Manong Chavit Singson.
- Latest




















