^

Metro

Hinabol rider naka-hit and run sa anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Hinabol rider naka-hit and run sa anak
Ayon kay Muntinlupa City Police Station Chief PCol. Olivia Ancheta, unang iniulat na nabagok lamang sa pagtakbo ang biktimang si alyas “Richard,” isang construction worker. Gayunman, lumabas sa mas malalim na imbestigasyon na nagtamo siya nang matinding pinsala sa ulo matapos paluin nang matigas na bagay.
Philstar.com / File

Ama patay sa kuyog!

MANILA, Philippines — Patay ang isang 31-anyos na ama matapos umanong pagtulungang bugbugin ng grupo ng mga kabataan na pinaniniwalaang kasamahan ng rider na nakabangga sa kanyang pitong taong gulang na anak sa Muntinlupa City noong nakaraang linggo.

Ayon kay Muntinlupa City Police Station Chief PCol. Olivia Ancheta, unang iniulat na nabagok lamang sa pagtakbo ang biktimang si alyas “Richard,” isang construction worker. Gayunman, lumabas sa mas malalim na imbestigasyon na nagtamo siya nang matinding pinsala sa ulo matapos paluin nang matigas na bagay.

Sa CCTV footage, makikitang hinabol ni Richard ang rider na tumakas matapos mabangga ang kanyang anak. Makalipas ang ilang sandali, grupo naman ng mga kabataan ang humabol sa kanya.

Batay sa imbestigasyon, pinagtulu­ngang suntukin at palu­in ng mga suspek ang
biktima. Hindi na nakunan ng CCTV ang mismong pananakit. Isinugod sa ospital si Richard ngunit binawian din ng buhay. Lumabas sa autopsy na nabasag ang kanyang bungo dahil sa matinding pinsala sa ulo, habang maayos naman ang kondisyon ng kanyang anak.

Natukoy na ng pulisya sa tulong ng mga saksi ang tatlong suspek na pinaghaha­nap na ngayon matapos sampahan ng murder complaint.

“Pinagtulung-tulu­ngan po nila itong victim po natin. Pinagpapalo nila, pinagsusuntok. So talagang may intensyon po na patayin ang ating biktima,” pahayag ng opisyal.

Nanawagan ang kapatid ng biktima na si Rogelio sa mga suspek na kusang sumuko upang panagutan ang kanilang ginawa. Naulila ni Richard ang tatlo ­niyang anak na pawang mga bata pa.

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with