PISTON, may tigil-pasada sa pagdating ni Trump

MANILA, Philippines — Isang araw na kilos-protesta ang ikakasa ng transport group na Piston sa pagdating ni US President Donald Trump sa Nobyembre 16 kasabay nang pagbubukas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2026 Summit sa Metro Manila.
Ito ang sinabi ni PISTON President Mody Floranda, na sasalubungin nila si Trump ng protesta na bahagi pa lamang ng serye ng mga aktibidad na kanilang isasagawa upang tuligsain ang US president.
Matatandaang umani ng mga batikos si Trump dahil sa nagaganap na tensiyon sa Gitnang Silangan, na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ani Floranda,sa sandaling lumapag si Trump sa Pilipinas, gagamit sila ng mga jeepney upang iprotesta ang pagbisita nito sa bansa.
Una na rin namang nagdeklara ang ilang aktibista at student group na magdaraos ng protesta laban kay Trump.
Ang ASEAN Summit na isasagawa sa Pasay City ay idaraos mula Nobyembre 16 hanggang 18.
- Latest















