Allan K, ayaw nang magpa-stress

Nag-iingat na ngayon si Allan K.
Hindi na siya gaanong nagpupuyat, naglalakad (exercise), kumakain ng healthy, at hindi nagpapaka-stress.
Yup, at least, natutulog daw siya ng six hours sa gabi - the new eight hours.
Everyday, kahit 5,000 steps, ginagawa raw niya - 8,000 ang ideal steps.

At higit sa lahat, hindi na raw talaga siya nagpapa-stress.
Siyempre kumakain na siya ng masusustansya.

Ayaw na ayaw na rin daw niyang magpuyat, hanggang 12 lang siya sa pag-aari niyang comedy bar, Clown.
Talaga raw iniiwan na niya pagpatak ng hatinggabi at umuuwi na siya.
Sixty seven na si Allan at thirty one years na siya sa Eat Bulaga.
Thankful siya na everyday ay may trabaho pa sila at patuloy pang lumalakas.
Diabetic na si Allan K, type 2. At meron pa raw siyang ibang maintenance.
Sa ngayon ay nagtuturok siya ng Mounjaro for weight loss. Ang laki nang nabawas kay Allan.
Anyway, kabilang nga si Allan sa cast ng Eat Bulaga na dumalo sa Tara sa Paskong Kapatid: Thanksgiving Celebration ng TV5 na ginanap kagabi na dinaluhan ng Kapatid artists and advertisers.
Dumalo rin sina Joey de Leon, Maine Mendoza, Miles Ocampo, at iba pang cast ng Eat Bulaga.
Kabilang sila sa talagang nagpasaya sa nasabing thanksgiving celebration kung saan present sina Mr. Manuel V. Pangilinan, Chairman of TV5 Network, Mr. Victorico P. Vargas – President and Chief Executive Officer (CEO) and Ms. Chaye Cabal-Revilla – Officer-in-Charge (OIC)..
Sunud-sunod ang mga komedyanteng pumapanaw sa kasalukuyan at yung isa ay napagkamalang si Allan K kaya mas lalo siyang nag-iingat.
Pero luckily, parang hindi siya tumatanda.
- Latest





















