Lovi, mas lumalim nang naging ina

Mahigit isang taong gulang na ngayon ang anak nina Lovi Poe at Monty Blencowe na si Sloane. Mula nang naging isang ganap na ina ay marami nang nagbago sa pananaw ng aktres sa buhay.
“I think a have a deeper meaning now. I feel like I have this deeper understanding about life and I have a deeper purpose,” makahulugang pahayag ni Lovi.
Malaki rin daw ang naitulong sa pagiging aktres ni Lovi ng kanyang pagiging isang ina. “I feel like this is something that, I would like to use the word beneficial, as an actress because talagang I didn’t realize how my art could stretch and how my heart had expanded. And I just have nothing but love. It’s like a different experience for me,” nakangiting paliwanag ng aktres.
Sanya, iba na ang tingin sa sexy
Isang linggong nakapagbakasyon si Sanya Lopez sa Japan. Masaya ang Kapuso actress dahil nakapagpahinga kahit sandali lamang mula sa kabi-kabilang trabaho.
Makikita sa mga larawang nai-post ni Sanya sa kanyangInstagram account ang ginawang pamamasyal sa Tokyo. “May mga part lang kasi ako sa Tokyo na hindi ko pa napuntahan like ‘yung Tokyo Skytree,” bungad ni Sanya sa 24 Oras.
Tampok ang dalaga ngayon bilang cover girl para sa comeback issue ng FHM. Matatandaang si Sanya ang itinalagang ika-dalawampu sa FHM’ 100 Sexiest list noong 2017.
Kababalik pa lamang ni Sanya sa bansa nang ilunsad ang naturang isyu ng men’s lifestyle magazine. “Na-surprise ako. Sana makita nila ‘yung pagiging sexy is something na hindi lang physically. Gusto ko makita sa akin ‘yung women empowerment. Loving yourself, accepting yourself, and being confident in your own skin,” nakangiting paglalahad ng aktres.
Tampok din ngayong buwan sa FHM ang kapwa-Kapuso actress na sina Arra San Agustin, Analyn Barro, Faye Lorenzo, Liezel Lopez, at Vanessa Peña. Para kay Arra ay mas nakilala niya ngayon ang sarili dahil sa pag-pose sa pinag-uusapang magazine. “I think it’s nice rin na I get to discover myself also even when I allow myself to do projects like this,” masayang pahayag ni Arra.
Ayon naman sa kapwa-Sparkle star na si Liezel ay kinakailangan lamang palagi na magpakatotoo sa sarili at sa tunay na nararamaman. “It’s a really nice place to just express yourself and embrace femininity,” pagtatapos naman ni Liezel. — Reports from JCC
- Latest





















