Sikat na aktres at inactive actor, ikakasal sa Pasko?!
Totoo kayang magkakaroon ng kasalan sa isang kilalang aktres at ang karelasyon niyang hindi na gaanong active na aktor?
Ito ang duda ng ilang mga taong nakausap namin na nag-i-invite raw sa aktres na ito.
Ilang beses daw nitong tinu-turn down ang guestings sa kanya, at meron pang events na dapat daluhan. Abala raw si aktres sa paghahanda para sa isang importanteng araw daw sa December.
Nagtanung-tanong kami sa ilang kakilala ni aktres, parang may something nga raw itong gagawin sa December. Pero hindi lang sila sure kung kasalan nga ba ang mangyayari.
Tingnan natin kung matutuloy ito dahil mukhang may plano rin daw kasi si aktres sa 2028 election.
Baka bahagi na ito sa pangangampanya.
Abangan na lang natin!
Halimaw ang boses...Sofronio, emosyonal sa solo concert
Napuno ang buong Proscenium Theater sa Power Plant Mall, Makati, noong Sabado para sa Sofronio Vasquez Live In Concert ng The Voice USA champion Season 26.
Ngayon ko lang napanood nang live si Sofronio Vasquez na nag-perform, napakahusay pala talaga.
Parang wala lang siya kapag nare-reach niya ang high notes, at napakaklaro niyang kumanta.
Pagkatapos ng opening number niyang This Is My Life, nag-joke na ito na magpapaka-honest lang daw siya. “Sana mas bata audience ko,” at nagtawanan na ang lahat.
Mga kaedad daw ng Mama niya ang pumuno sa buong venue, “pero malalim ‘yung pocket,” bawi nito.
Totoo naman! Mga boomer at oldies talaga ang audience ni Sofronio, kaya pawang classic songs ang nasa repertoire niya.
Kung hindi ako nagkakamali, ang pinakabago yata sa mga nakanta niya ay ang A Million Dreams na nagpanalo sa kanya sa The Voice USA.
Kaya talagang nag-enjoy ang audience, at ilang beses silang nag-standing ovation sa kanyang performance.
Ang unang pinalakpakan nang husto at nagtayuan sa buong theater ay nung kasama niya sina Jed Madela, Bituin Escalante at Jona na kinanta nila ang mga classic at Broadway songs.
Nag-standing ovation uli nang makasama naman ni Sofronio si Maestro Ryan Cayabyab at kinanta niya ang mga sikat na OPM songs.
Riot ang pagpasok ni Ogie Alcasid na humirit din ng standing ovation sa audience.
Mahaba ang exposure ni Ogie na kung saan doon binati si Sofronio ng Happy Birthday na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon.
May pa-surprise pa silang birthday greeting mula kay Michael Bublé na medyo emotional na si Sofronio.
Pero nabasag ang pag-emote nito nang humirit si Ogie ng joke na, “tinawagan ko pa ‘yan si Michael e. Kasi, kasama ko siya dati sa TV show, sa Bubble Gang.”
Pero hindi na rin napigilang maiyak ni Sofronio nang ibinahagi niya ang interview niya sa Toni Talks na kung saan ikinuwento niya ang malaking impluwensya ng kanyang ama sa pagkanta.
Mahilig daw kasi talagang kumanta ang tatay niya. Unfortunately, hindi nasaksihan ng kanyang ama ang success na tinatamasa nito dahil pumanaw na raw noong 2018.
Ang hindi raw niya makakalimutan ay ang karanasan niya kasama ang kanyang ama nung nasunugan daw sila sa tinutuluyan nila sa isang squatter’s area sa Ozamiz City.
Tatlong beses daw silang nasunugan, at hindi raw niya makalimutan ‘yung pag-uusap nila ng kanyang ama nung huling beses silang nasunugan.
Sabi niya sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga, “‘Yung last time kami nasunugan. Nakita ko kung gaano kasakit sa kanya.
“Si Mama kasi saka mga kapatid ko, nandun siya sa bahay ng lola ko. Hindi ko siya iniwan. Magkasama lang kami sa lugar kung saan kami nasunugan. Nakahiga kami sa sahig, tapos binabantayan niya ‘yung mga natirang gamit namin.
“Sinabi niya sa akin, balang araw magkakaroon din tayo ng bahay na maganda at hindi mo na iisipin na magkasunog. Ta’s, nag-hug lang kaming dalawa sa madilim, nakita ko lang ang mga stars. Sabi ko lang sa kanya, ‘Okay lang ‘yan, Pa. Ano naman... buhay naman tayo ganun.
“Ngayon, looking back, ang sarap pala ng conversation na ‘yun. Kumbaga, hindi mo siya makakalimutan. And it really helped me gain everything kung ano man siya—painful ngayon, rejection.”
Hindi na niya napigilang maluha nang kinanta na niya ang Bato sa Buhangin na paboritong kanta raw ng kanyang ama.
At sa panghuling kanta niya, ang winning song niyang A Million Dreams ang kanyang inihandog sa mga manonood. “This song has opened many, many, many, many, many doors for me.”
Nag-request siya sa audience kung puwedeng buksan ang ilaw ng kanilang cellphone. “Those lights will signify... or those lights will mean the stars are aligned and will be a best night for my 2026.”
- Latest




















