^

PM Sports

Eala yuko kay Liu sa Hong Kong Open finals

Chris Co - Pang-masa
Eala yuko kay Liu sa Hong Kong Open finals
Nabigo si Pinay tennis ace Alex Eala kay American Claire Liu sa Finals ng Hong Kong Open.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hindi umubra ang lakas ni Pinay netter Alex Eala nang umani ito ng 3-6, 0-6 desisyon kay unseeded player Claire Liu ng Amerika sa finals ng Hong Kong Open kahapon na ginanap sa Victoria Park Center Court sa Causeway Bay, Hong Kong.

Hindi naman uuwing luhaan si Eala dahil magkakamit ito ng $22,125 premyo o katumbas ng P1.4 milyon.

Bukod pa rito ang nakuha nitong puntos upang umangat sa ranking sa pagtatapos ng WTA season.

Hahawakan ni Eala ang bagong career-high na No. 15 sa ilalabas na listahan ng WTA ngayong araw.

Ito ang pinakamataas na puwestong naabot ni Eala.

Mainit ang bakbakan sa unang set kung saan palitan ng matatalim na atake ang dalawang netters.

Nauwi pa ang iskor sa 3-3 pagtatabla.

Subalit nakakuha ng magandang momento si Liu sa mga sumunod na games nang maitarak nito ang 3-0 run upang makuha ang first set.

Sa second set, nadala ni Liu ang magandang momento nito matapos umarangkada sa 4-0 kalamangan.

Mula noon ay hindi na lumingon pa si Liu para matamis na angkinin ang kampeonato.

Nagtala si Liu ng kabuuang limang aces laban sa isa lamang ni Eala.

Nagrehistro pa ang Pinay netter ng apat na double faults.

May 88 porsiyento si Liu sa first serve laban sa 47 lamang ni Eala.

Limang beses din nitong na-break si Eala.

Nakakuha pa si Liu ng 34 receiving points.

Tila pagod pa si Eala na galing sa dikdikang 7-5, 3-6, 6-4 panalo laban kay Maria Sakkari ng Greece sa semifinals noong Sabado.

Makailang ulit na natigil ang laro nina Eala at Sakkari dahil sa ulan.

May 2-0 rekord na si Liu kontra kay Eala.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with