^

Probinsiya

Driver ng ‘kuliglig’, 50-metro nakaladkad

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang driver ng “kuliglig” matapos makaladkad ng isang pickup truck at tinakasan pa, kama­kalawa sa Tagaytay-Sta. Rosa road, Silang Cavite. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Armando,” 55-anyos, driver, residente ng Brgy. Pooc 1, Silang, Cavite. 

Hindi naman naki­lala ang driver ng puting­ pickup truck na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang kuliglig na may sakay na mga saging nang biglang banggain ng nakasunod na puting pick-up truck. 

Kapwa bumabagtas ang dalawang sasak­yan sa lugar habang patungo ng Tagaytay City, nasa kanang linya ng kalsada ang biktima at nasa gitna ang nasabing truck. Nagtangkang mag-overtake ang trak kung kaya kumabig ito na naging dahilan upang masabitan nito ang biktima at tuluyang makaladkad. 

Umabot pa ng may 50 metro ang pagkaladkad sa sasakyan ng biktima bago tuluyang kumalas sa trak.

Sa halip na huminto ang suspek, tuluy-tuloy naman ang takbo nito at tumakas.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with