Taiwanese at Korean, timbog sa Bureau of Immigration

MANILA, Philippines — Magkahiwalay na inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang puganteng Taiwanese at isang South Korean, na sangkot sa mga kasong fraud syndicate at operasyon ng ilegal na online gambling.
Sa isang pahayag nitong Sabado, ang Taiwanese na si Yu Sheng Fu, 27, ay nasakote sa Barangay Cabancalan, Mandaue City noong Oktubre 29 kasunod ng kahilingan mula sa Taipei Economic and Cultural Office.
Samantala, ang 46-anyos na si Ha Jonhoo, South Korean ay dinakip sa Newport Complex sa Pasay City noong Nobyembre 2. Siya ay wanted sa South Korea dahil sa umano’y pagkakasangkot sa operasyon ng ilegal na online gambling, bilang junket agent sa pagpapatakbo ng remote baccarat gambling para sa mga Korean client mula Hunyo 2019 hanggang Disyembre 2020.
Sinabi ng BI na ang dalawang pugante na kabilang na sa blacklist ay kasalukuyang nakakulong sa detention facility nito sa Taguig City, habang hinihintay ang deportation proceedings.
- Latest

















