1 milyong kabataan may high blood o altapresyon – DOH

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH), tinatayang nasa isang milyon (1M) na kabataang Pilipino na may edad 20 hanggang 24 taong gulang ang mayroon nang high blood pressure o altapresyon, batay sa naging pag-aaral noong 2015.
Bukod dito, lumabas din sa pag-aaral ng DOST-FNRI na kahit mga batang kasing bata ng 10 taong gulang ay maaaring magkaroon na rin nito.
Kabilang sa dahilan ang mas madaling ma-access sa hindi masustansyang pagkain, kakulangan sa ehersisyo at mga bisyo tulad ng paninigarilyo, pagva-vape, at pag-inom ng alak, pati na rin sa kakulangan sa tulog at matinding stress.
Paalala ng DOH, simulan ang pag-aalaga sa kalusugan habang bata pa.Regular na magpa-monitor ng blood pressure upang maagapan at maiwasan ang altapresyon.
- Latest















