Marian, may ipapatikim
Sabay-sabay tayong makisaya sa mas pinasarap na cooking experience kasama ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa Pinas Sarap ngayong Sabado (Nov. 7) sa GTV!
Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa kusina sina Kara David at Marian upang magluto at ibahagi ang kani-kanilang best dish.
Ipagluluto at ipatitikim ni Kara kay Marian ang kanyang ipinagmamalaking Chili Garlic Prawn. Mapabilib kaya ni Kara ang Kapuso Primetime Queen sa kanyang pambatong putahe?
Bibisitahin din ni Kara ang home province ng aktres na Cavite. Aalamin ni Kara kung paano inaalagaan at pinararami ang mga sugpo at hipon sa probinsya.
Siyempre, hindi rin palalampasin ni Kara ang pagkakataong lumusong sa palaisdaan upang personal na manghuli ng mga sugpo!
Isa rin sa mga ipinagmamalaking putahe ni Marian ang menudo ng mga Caviteño. Kaya naman aalamin ni Kara ang sikreto sa likod ng espesyal na bersiyon ng putaheng ito sa kanyang pagbisita sa probinsya.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Marian sa Chili Garlic Prawn ni Kara? At ano naman ang sikreto ng masarap na Caviteño menudo?
- Latest




















