Generals tumusok ng quarters spot
MANILA, Philippines — Swak ang Emilio Aguinaldo College sa quarterfinal round matapos silatin ang paboritong Letran, 78-71, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil sa San Juan City.
Tangan ang 6-6, sumosyo ang Generals sa Arellano Chiefs, habang kahit natalo ay solo pa rin ng Knights ang liderato hawak ang 8-4 record.
Maliban sa panalo, sinira ng EAC ang salubong ng Letran sa kanilang star guard na si Titing Manalili na hindi nakalaro dahil sa right knee injury.
Nalimitahan si Manalili sa walong puntos, apat na rebounds, dalawang assists at dalawang steals para sa Knights.
Humakot si Jacob Shanoda ng 16 points at walong rebounds para banderahan ang Generals.
- Latest



















