^

PM Sports

Uusad na ang Converge?

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Kung hindi nagtapon ng malaking lamang noong Game 1, dominant winner na ang Converge kontra Rain or Shine sa kanilang PBA Governors’ Cup best-of-five quarterfinals showdown.

Pero ibinaon na ng FiberXers sa limot ang kanilang 120-124 heartbreaker last week. Nag-move on at kuma­yod upang kuhanin ang 2-1 series lead.

Kumakatok na sila sa nagbabadyang unang semifinal stint sa franchise history. At maaari nilang kuhanin ito sa first try ngayong gabi sa Big Dome.

Meron silang materyales para makuha ang breakthrough.

Actually, lamang ang frontcourt na binubuo nina Justin Arana, Justine Baltazar, Calvin Abueva, Larry Muyang at Jonnel Policarpio kontra sa kanilang ROS counterpart.

At puwedeng tumapat ang kanilang backcourt kahit kaninong team. Pawang mainit ang ipinapakita nina Mikey Williams, Alec Stockton, Juan Gomez de Liaño, John Lloyd Clemente at Archie Concepcion.

Hindi rin magpapaiwan ang kanilang import na si Cameron Clark

Ang goal eh, itulak ang momentum ng back-to-back wins – 130-125, 105-89 – upang ikasa ang semifinal face-off kontra NLEX.

Consistent ang Converge sa quarterfinals pero hindi makalagpas dito. Last year, talo sila sa San Miguel Beer sa Governors Cup, sa ROS sa Commissioner’s Cup at sa Barangay Ginebra sa Philippine Cup.

Dalawa ang kanilang tsansa na marating na ang se­mis. Naniniwala silang madadale na ito.

CONVERGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with