Ella Arcangel ni Bianca, kakaibang superhero!

Nag-iisang Filipino film at animated entry ang pelikula ni Bianca Umali na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko sa Asian Next Wave Competition ng 2026 QCinema International Film Festival.
Si Bianca ang boses sa likod ng karakter na si Ella sa nasabing animated feature ng GMA Pictures na hango sa sikat na comic book series ni Julius Villanueva.
Una nang inanunsyo na ang Ella Arcangel ang opening film sa naturang international film festival na gaganapin ngayong Nov. 13 to 22.
Kuwento ito ni Ella, isang batang mambabarang na nakikipagsapalaran sa mundong puno ng misteryo, panganib at labanan.
Grateful si Bianca na maging boses sa likod ng karakter ni Ella. “Isang karangalan po ang mapabilang sa ganitong festival at makasama ang mga taong para po sa sining ng pelikula ng ating minamahal na bansa,” wika ng Sparkle actress, na itinuturing ang Ella Arcangel na isang “project made by heart.”
“Ella Arcangel is a project made with so much heart and passion by our creators and producers. It truly felt like a dream come true when we learned that our film had been selected as one of the official entries to this year’s festival,” sabi niya pa sa naganap na media conference ng QCinema kamakailan.
Dagdag pa niya sa kanyang character: “She is a Filipino girl with unruly hair, brown skin and a flat nose, but she has the ability to do good and make a difference in her community through her kind heart. Like Ella, we do not have to be tall, beautiful or strong to be superheroes in our own way.”
Ang nasabing animated film ay ginawaran ng ?1.5-milyong QCinema Project Market (QPM) Philippines Co-Production Grant noong 2023.
Ang QCinema ay gaganapin sa Nobyembre 13–22, 2026 - Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office, at SM Cinema – SM City Fairview at ?200 bawat screening.
Ang mga schedule ng screening at mga detalye sa pagbili ng tiket ay iaanunsyo sa social media pages QCinema.
- Latest




















