^

Pang Movies

3 Asian Girl group, magpapasiklab sa MOA Arena

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
3 Asian Girl group, magpapasiklab sa MOA Arena
BINI

Aarangkada na ang nation’s girl group na BINI kasama ang Japanese girl group na HANA and Thailand girl group na 4EVE sa Asia Pop Girl Fest 2027 sa SM Mall of Asia Arena sa Pebrero 19 (Biyernes), at mabibili na ang tickets para rito sa Ticketmaster.

Ibabalik ng festival ang BINI sa MOA Arena kung saan naganap ang kanilang dalawang sold-out shows noong Hunyo para sa kanilang Signals World Tour. Ngayon, makakasama ng P-pop phenomenon ang dalawang kilalang Asian girl groups para sa Manila leg ng unang edisyon ng festival.

Noong Abril 2025 pa lamang nag-debut ang seven-member group na HANA at umani na ng apat na no. 1 hits sa Billboard Japan Hot 100. Lumampas na rin sa 200 million streams ang kanilang breakout hit na Rose.

Ang 4EVE naman ang kauna-unahang T-pop girl group na naging Spotify Global Equal Ambassador. Patuloy ang grupo na may pitong miyembro rin sa pagpapakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanilang English album na Glow at pagsabak sa global musical festivals simula ng kanilang debut noong 2020. 

Iikot sa tatlong bansa at ibibida ng Asia Pop Girl Fest 2027 ang Filipino, Japanese at Thai pop stars sa natatanging music festival mula sa pangunguna ng ABS-CBN, BMSG ng Japan at XOXO Entertainment ng Thailand.

Magsisimula ito sa Tokyo-Bay sa Chiba, Japan sa Enero 22 at 23, at tutuloy sa BITEC Live sa Bangkok, Thailand sa Pebrero 13.

Bianca, nagpapasalamat na naging mambabarang

Nag-iisang Filipino film at animated entry ang pelikula ni Bianca Umali na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko sa Asian Next Wave Competition ng 2026 QCinema International Film Festival.

Si Bianca ang boses sa likod ng karakter na si Ella sa nasabing animated feature ng GMA Pictures na hango sa sikat na comic book series ni Julius Villanueva.

Una nang inanunsyo na ang Ella Arcangel ang opening film sa naturang international film festival na gaganapin ngayong Nov. 13 to 22.

Kuwento ito ni Ella, isang batang mambabarang na nakikipagsapalaran sa mundong puno ng misteryo, panganib at labanan.

Grateful si Bianca na maging boses sa likod ng karakter ni Ella. “Isang karangalan po ang mapabilang sa ganitong festival at makasama ang mga taong para po sa sining ng pelikula ng ating minamahal na bansa,” wika ng Sparkle actress, na itinuturing ang Ella Arcangel na isang “project made by heart.”

“Ella Arcangel is a project made with so much heart and passion by our creators and producers. It truly felt like a dream come true when we learned that our film had been selected as one of the official entries to this year’s festival,” sabi niya pa sa naganap na media conference ng QCinema kamakailan.

Dagdag pa niya sa kanyang character: “She is a Filipino girl with unruly hair, brown skin and a flat nose, but she has the ability to do good and make a difference in her community through her kind heart. Like Ella, we do not have to be tall, beautiful or strong to be superheroes in our own way.”

Ang nasabing animated film ay ginawaran ng ?1.5-milyong QCinema Project Market (QPM) Philippines Co-Production Grant noong 2023.

Ang QCinema ay gaganapin sa Nobyembre 13–22, 2026 - Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office, at SM Cinema – SM City Fairview at ?200 bawat screening.

Ang mga schedule ng screening at mga detalye sa pagbili ng tiket ay iaanunsyo sa social media pages QCinema.

BINI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with