^

Pang Movies

Alden, pinatunayang mahusay sa sisiran!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, pinatunayang mahusay sa sisiran!
Alden

Sinulit ni Alden Richards ang kanyang beach getaway matapos mag-enjoy sa isang exciting scuba diving adventure sa napakagandang karagatan ng Amanpulo kamakailan.

Sa latest Instagram post, ibinahagi ng Asia’s Multimedia Star ang isang reel na nagpapakita ng kanyang underwater adventure sa dagat ng nasabing isla.

Makikita sa video ang pag-e-enjoy ni Alden sa ilalim ng dagat, kung saan nakasalamuha niya ang iba’t ibang makukulay na isda at magagandang coral reefs. “I’m overboard, but I’m saved… #AmanPulo,” caption ng Kapuso actor sa kanyang post.

Noon pa ay mahilig nang mag-scuba diving si Alden at isa yata ito sa pinakaunang hobbies niya.

Maging ang fans ng aktor ay natuwa na makitang nag-e-enjoy ang aktor na katatapos lamang na dumaan sa kontrobersiya.

“Ganyan nga Alden..enjoy mo lang buhay mo..wala ka namang ina-apakan..marami lng talaga naiinggit syo..kaya daming naninira syo kc d nila ma-achieve yung mga achievements mo..just believe in yourself..Ikaw lang nkaka-kilala at nkaka-alam ng totoo sa sarili mo..wala kang dapat ipaliwanag kahit kanino..God is always with you..and God knows everything about you..just be yourself..stay humble and simple..God bless you always..mas marami ang nagmamahal at nakaka-unawa sa yo,” mensahe naman ng isa pa niyang fan.

Nikko Natividad, gusto nang bumigay

Inamin ni Nikko Natividad na wasak na wasak siya ngayon at may mabigat na pinagdaraanan.

Sa kanyang latest social media post, nag-open up ang aktor sa estado ng kanyang mental health. “Durug na durug ako sa loob pero nakikita nyo lang ako sa social media na palaging masaya. Kasi yun ang gusto n’yo makita sakin yung puro masaya at kalokohan lang kaya ang hirap din humarap sa tao kasi expect nila na lagi maayos ka,” pag-amin niya.

Ipinagtapat din niyang malapit na siyang bumigay bagama’t hindi na niya ikinuwento pa kung ano ang kanyang problema.

“Pero sa totoo lang bibigay nako yung tipong hawakan moko sa likod hahagulgul ako na parang bata. Hindi na para magkwento pa ako kung bakit,” aniya.

“Pero nagpapasalamat ako kasi alam ng Diyos kung ano talaga kailangan ko sa buhay at yun ang Pamilya ko,” patuloy niya.

Sa huli ay nagbigay ang aktor ng payo sa katulad niyang bagsak ang mental health at walang peace of mind.

“Sa mga kagaya ko na bumabagsak ang mental health at nawawala ang peace of mind Pray tayo at puntahan nyo yung taong alam nyong magpapagaan ng loob nyo,” paalala ni Nikko.

Samantala, maraming fans at netizens ang nagpaabot ng kanilang pagmamahal, dasal at encouragement para sa aktor.

 

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with