Stark ibabalik WSL sa Pinas
MANILA, Philippines — Gusto ng World Surf League (WSL) na matiyak na makakakuha ng higit pa sa pagkakataon ang mga Pilipinong surfers na makatapat ang mga pinakamagagaling sa mundo kung saan ang pakikipagtulungan nito sa Philippine Sports Commission (PSC) ay inaasahang mag-uumento sa pagpapalago ng local surfing.
Sinabi ni WSL president Andrew Stark na ang pagdadala ng Championship Tour sa Cloud 9 ay isang pagkakataon din para maipakita sa mga batang Pinoy surfers ang international competition.
Ang nasabing event ay nakipagtulungan sa PSC na pinamumunuan ni chairman Patrick Gregorio upang dalhin ang Philippines Pro sa Siargao na naghatid sa Championship Tour sa mga baybayin ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon.
Ikinatuwa ni Stark ang suportang ibinigay ng PSC at sinabing masaya ang liga sa naging pagsalubong sa kanila ng local community.
“We’ve got a fantastic partnership with the Philippine Sports Commission,” ani Stark.
Inilapit din ng WSL ang mga local surfers sa event sa pamamagitan ng kanilang programang Rising Tides.
- Latest


















