ICC,‘di pinayagang gamitin ang Tagalog sa trial vs Duterte
MANILA, Philippines — Hindi pinayagan ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III Presiding Judge Joanna Korner ang apela ng prosekusyon na gamitin ang wikang Tagalog sa opening statement ng paglilitis laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Hiniling ito ni Office of Public Counsel for Victims (OPCV) Principal Counsel Paolina Massidda sa ikalimang conference ng ICC sa kaso ni Duterte nitong Lunes, Nobyembre 2.
“It is a very limited request,” saad ni Massidda. “We are not requesting of speaking for one hour in Tagalog. Our request is more during the opening statement.”
Dagdag pa nito, “We will make some remarks in quoting parts of a narrative that victims provided to us. I would like to do that in Tagalog.”
Ayon kay Massidda, tatagal lang umano ang kanilang buong opening statement ng 15 hanggang 20 minuto.
Ngunit hindi ito pinayagan ni Korner dahil English at French ang itinakdang “working languages” sa ICC sang-ayon sa Rome Statute.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis laban kay Duterte sa Nobyembre 30.
- Latest




















