^

Pang Movies

Bidaman, nag-explain sa bakasyon sa Amanpulo

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bidaman, nag-explain sa bakasyon sa Amanpulo
Kristof Garcia

Sinagot ni dating Bidaman contestant at BL (Boys’ Love) actor Kristof Garcia ang isang netizen na nagtanong kung paano niya na-afford ang bakasyon sa eksklusibong Amanpulo resort sa Palawan.

Nag-post kasi ang It’s Showtime contestant ng sexy photo habang nasa private island, na may caption na “Private island, public service” sa X (formerly Twitter).

Nagkomento ang isang netizen: “‘Di ba pang multi-millionaire ang Amanpulo. How you afford?? Sana all apakayaman.”

Kalmado namang nilinaw ni Kristof na hindi siya ang nagbayad sa biyahe at bahagi ito ng premyo mula sa TikTok Live.

“To answer some questions. I can’t afford Amanpulo. This is just a perk for TikTok Live Vacation Prize,” sagot niya.

Dagdag pa niya, “Hi! It was an event. I’m with TikTok Philippines.”

Sasha, humihingi ng boto

Ilang araw na lang bago ang coronation night ng The Miss Globe sa Thailand sa Nov. 6, at todo pa rin sa pag­rampa ang pambato ng Pilipinas na si Sasha Lacuna.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sasha ang suot niyang Filipiniana na gawa ni Jome Almozara para sa head-to-head challenge at closed-door interview, kung saan ay nagkaroon siya ng pagkakataong “to speak from the heart, share my experiences, and show a little more of who I am.”

“Extra proud and happy” raw siyang maisuot ito bilang karangalan na madala ang piraso ng bansa.

Bukod dito, lumahok din si Sasha sa Peranakan fashion show ng pageant.

Kasalukuyang nasa Phuket si Sasha at humihingi ang Binibining Pilipinas organization ng suporta sa pagboto para sa kanya.

Ex ni Britney, malaki ang utang sa credit card

Halos dalawang taon matapos ang child support na binabayaran ni Britney Spears, nahaharap umano sa utang sa credit card ang ex-husband niyang si Kevin Federline.

Ayon sa court docs na nakuha ng People magazine, may utang si Federline na mahigit $117,000 sa City National Bank dahil sa credit card, personal line of credit at overdraft line.

Dapat ay nabayaran na niya ang mga ito noong April at June 2025, at August para sa credit card. Dahil hindi umano nakabayad, naniningil ang bangko ng interes na 20.5% sa credit card, 7.5% sa line of credit, at 18% sa overdraft.

Sa memoir niyang You Thought You Knew noong 2025, sinabi ng 48-year-old former actor-dancer-DJ na nakakatanggap siya noon ng $40,000 kada buwan mula kay Britney na natigil nang mag-18 na ang bunso nilang si Jayden.

Ikinasal sina Kevin at Britney mula 2004 hanggang 2007.

 

 

KRISTOF GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with