Charlene, walang planong mag-showbiz comeback

Proud mommy si Charlene Gonzalez sa kanilang kambal ni Aga Muhlach – Atasha and Andres.
Lalo na at kitang-kita niyang nag-enjoy ang dalawa sa pagbibida nila sa magkasunod na stage play musical na – Bagets The Musical at Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical.
“I’m so happy kasi 24th show na niya ito (finale show ng BKD last Saturday afternoon).
“So, I’m very happy for Atasha at sa lahat ng bumubuo ng Bongga Ka ‘Day.
“It’s a nice journey, nice experience for Atasha. I’m very happy for her. And she also gained family.
“Nakita ko talaga na nag-enjoy siya. Super enjoy siya. Grabe ang energy niya from beginning to end.
“Lumabas talaga ‘yung passion and love ni Atasha sa mga ginagawa niya. Nandiyan talaga. That’s one thing I admire in Atasha. And also, the fact that she takes on new challenges, every time, hindi siya takot to believe in herself, and to be able to take the opportunity to grow as an actress,” mahabang pahayag ni Charlene sa chance interview sa ilang kaharap na writer.
Natawa lang naman siya nang sabihan siyang nagmana sa kanya ang husay ni Atasha sa dancing.
“She loves her craft. And she’s not afraid to put in the hard work, and she has the discipline and passion.”
Nagpapasalamat din si Charlene sa Viva particularly kay Boss Vic (Del Rosario) na naniniwala sa talent ng kanilang kambal.
Pero nang hiritan siya kung may chance bang mag-comeback din siya since si Aga ay busy sa 2nd Miracle in Cell No. 7 na Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films kung saan co-producer ang The Philippine STAR, sumagot agad ang dating beauty queen: “Sila na muna! Taga-support lang ako. Taga-cheer!”
- Latest



















