Charo, Maricel at BINI, kinilala sa 74th FAMAS

Patuloy na kinikilala ang husay ng Kapamilya stars na sina Charo Santos, Maricel Soriano at BINI matapos silang tumanggap ng pagkilala para sa kanilang kontribusyon sa industriya sa 74th FAMAS Awards.
Tinanggap ng beterano at award-winning na aktres na si Charo Santos ang prestihiyosong Susan Roces Celebrity Award para sa kanyang dedikasyon at importanteng kontribusyon sa industriya ng telebisyon at pelikula sa bansa.
Muling naiuwi naman ni Diamond Star Maricel Soriano ang Best Actress na pagkilala para sa kanyang husay sa pelikulang Meet, Greet & Bye.
Samantala, wagi rin ang BINI ng FAMAS Youth Achievement Award na kumikilala sa kanilang galing, mabuting impluwensiya at kontribusyon sa Philippine entertainment.
Ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards ay iginagawad ng mga batikang manunulat at kolumnista sa mga natatanging pelikula at personalidad sa bansa.
Oyos, nanalo rin sa FAMAS...
Tumanggap ng FAMAS trophy ang founder at CEO ng Purple Yam na si Oyos Mendoza hindi dahil sa pag-arte kundi bilang FAMAS Prestige Leadership Excellence Award for Filipino Enterprise Development, bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa pagpapaunlad ng negosyong Pilipino.
Siyempre, extra special ang award na ito para kay Oyos dahil mula sa isang simpleng family-owned business sa Ozamiz City, Mindanao, unti-unti nang lumalaki at nakikilala sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Purple Yam at ngayon ay kinilala pa siya.
Bukod sa kanilang patok na ube creations, may bago rin silang pistachio collection na dagdag sa kanilang growing menu of sweet treats. At siyempre, hindi rin pahuhuli sa star power ang Purple Yam!
Mga celebrity endorser nito ang komedyanteng si Pokwang at social media superstar na si Jeo Ong ng sikat na Ongfam.
At speaking of comedians, may bago ring career ang funny man na si Pooh, na siyang head of Marketing ng Purple Yam! O, ‘di ba?
Hindi lang sa pagpapatawa talented si Pooh, pati sa marketing, may ibubuga rin! Another feather in his cap, indeed! “This award is not just for me. It’s for my family, our hardworking team, and everyone who believed in us from the very beginning. We started with a simple dream in Ozamiz, and seeing that dream grow is already a blessing. This recognition inspires us to work even harder and make more Filipinos proud,” sey ni Oyos.
Patunay lang na ang isang simpleng pangarap, kapag sinamahan ng sipag, tiyaga at pagmamahal sa pamilya, puwedeng maging isang malaking success story.
- Latest





















