^

Metro

3 dayuhan huli sa parcel scam hub sa Pasay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip kahapon sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang gusali sa Pasay City ang isang Chinese at dalawang Malaysian na nag-o-operate ng parcel scam sa ilang bansa sa Southeast Asia tulad ng Vietnam, Malaysia, at Indonesia.

Sa tulong ng mga nakatakas na biktima sa parcel scam hub na nagsumbong sa mga awtoridad, nailigtas din ang 159 indibidwal, karamihan sa kanila ay mga Indonesian habang ang iba ay Chinese, Vietnamese, at Malaysian na ginagamit sa pang­loloko.

Ayon kay CIDG-NCR PCol. John Guiagui,pawang mga taga-Vietnam, Malaysia, at Indonesia ang kanilang mga binibiktima, kung saan nagpapakilala umano ang mga scammer bilang mga pulis para takutin ang mga biktima na may lamang kontrabando ang kanilang mga inaasahang parcel.

Kapag kumagat umano ang mga biktima, inuutusan ito ng mga nagkukunwaring pulis na ilipat ang laman ng bank accounts ng mga biktima sa bank account na ibibigay nila upang hindi sila sumabit.

CIDG

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with