76-anyos kuya, todas sa 74-anyos utol!
Alitan sa minanang lupa
SAN FERNANDO, Camarines Sur, Philippines — Dead-on-the spot ang isang 76-anyos na lolo matapos na tagain sa leeg ng kanyang 74-anyos na kapatid makaraang sumiklab ang matagal nang alitan ng magkapatid dahil sa lupang minana sa Zone-1, Brgy. Buenavista, San Fernando, Camarines Sur gabi nitong Lunes o Araw ng mga Patay.
Malalim a taga sa leeg ang agarang ikinasawi ng biktima na kinilalang si alyas “Tiburcio” habang hawak na ng San Fernando Municipal Police ang suspek na si alyas “Juaning,” may-asawa; kapwa residente ng naturang lugar.
Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, dahil umano sa matagal nang iringan ng magkapatid sa lupang minana pa nila ay nagkaroon umano sila nang mainit na pagtatalo.
Sa gitna ng pagtatalo, biglang tinaga sa leeg ni Juaning ang kanyang kuya na duguang humandusay.
Makaraang mapaslang ang kuya, sumuko ang suspek sa mga barangay tanod at kapitan ng barangay na siyang nag-turnover sa huli sa police station.
- Latest
















